Home HOME BANNER STORY Pamumuno ni VP Sara sa DepEd, ‘complete failure’ – Malakanyang

Pamumuno ni VP Sara sa DepEd, ‘complete failure’ – Malakanyang

345
0

MANILA, Philippines – INILARAWAN ng Malakanyang na “complete failure” ang pagkakatalaga kay Vice -President Sara Duterte bilang hepe ng Department of Education (DepEd) mataposna sabihin nito na lumalabas na kulelat ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa pagdating sa edukasyon.

Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa naging pahayag ni VP Sara na ang bansa ay nananatili sa “paper and pencil” level kumpara sa ibang bansa na may modernisadong education systems.

Ani Castro, binigyan ng oportunidad si VP Sara na pamunuan ang DepEd at magpatupad ng ‘very reforms’ na inirereklamo niya ngayon.

“Binigyan po siya ng pagkakataon, pinagkatiwalaan siya ng Pangulo, since 2022 hanggang 2024 para maging DepEd Secretary. Dalawang taon halos na siya ay dapat nagtrabaho kung anuman ang kaniyang nirereklamo, dapat natupad na po sana niya ito sa kaniyang panahon. Ang pagtitiwalang ito ay sa kaniyang reklamo ngayon, nagre-reflect lamang na bilang siya ay naging DepEd Secretary ay a complete failure,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Castro sa mga guro at estudyante na walang dapat na ipag-alala dahil ang kasalukuyang Education Secretary na si Sonny Angara ay tinutugunan na ang problemang iniwan ni VP Sara sa departamento.

“At huwag pong mag-alala ang mga mag-aaral at mga guro at mga teaching staff. Ang ating DepEd Secretary, Secretary Angara ay nililinis naman kung anuman ang dumi na naiwan noong nakaraan. At kung modernisasyon lamang ang pinag-uusapan natin, iyong 1.5 million na mga gadgets, laptop at ibang mga teaching materials ay ginawan naman na po ng paraan ni Secretary Angara na nakabinbin lamang noon pang 2020 na hindi nagamit. So, 2024 lamang ito nasasaayos ni Secretary Angara,” ang litaniya nito.

Samantala, sa pagsasalita sa programa sa Kuwait, sinabi ni VP Sara na habang ang ibang bansa ay ginawang modernisado ang kanilang education systems, ang Pilipinas ay nananatiling namamalagi sa ‘paper-and-pencil stage.’

Idinagdag pa nito na ang mga estudyante sa ibang bansa ay abala sa ‘robotics at coding’ habang patuloy naman at hirap na hirap na humahabol ang Pilipinas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here