Home ENTERTAINMENT Vice, hinulaang kakasuhan ni Marcoleta!

Vice, hinulaang kakasuhan ni Marcoleta!

276
0

Manila, Philippines- Sising-sisi raw si Vice Ganda dala ng mga birong binitiwan niya sa Super Divas concert nila ni Regine Velasquez.

Ito ang nakita ni Gloria Escoto, tinaguriang Prophetic Witch, sa kanyang tarot cards.

Dinayo pa ni Rommel Tsika ang manghuhula sa Cabantuan City sa Nueva Ecija para alamin kung ano ang nakasaad sa mga baraha nito.

Ayon kay Mamu Gloria, nagsisisi raw ang TV host dahil sa kanyang mga biro–dahilan para masaktan ang llan.

Unless she apologizes in public, posible raw kasuhan si Vice Ganda ng mga ito.

Nakikita ni Mamu Gloria na isang lalaki at isang babae ang malamang magsampa ng kaso.

Posibleng ang lalaking ‘yon ay si Senator Rodante Marcoleta na “pinagtripan” din ni Vice Ganda bukod sa kanyang jet ski holiday joke alluded to former President Duterte.

Samantala, binisto rin ng manghuhula ang mga malalapit na kaibigan ng TV host na walang lakas ng loob na sabihan siya nang harapan tungkol sa kanyang pagmamalabis.

Ang mga ito raw kasi ay natulungan ni Vice Ganda na tumatanaw lang ng utang na loob, but deep within them ay kontra sila sa ugali ng TV host when it comes to cracking hurtful, insensitive jokes. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here