MANILA, Philippines – Inihayag ng University of the Philippines noong Miyerkules ang pagpanaw ng kanilang recruit na si Israel Friday.
Ang 6-foot-10, 19-anyos na Nigerian center ay bumagsak habang nagsasanay noong Martes. Sinabi ng UP Office of Athletics and Sports Development (OASD) na hindi pa makumpirma ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.
Agad na dinala si Friday sa malapit na ospital kung saan, sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor, siya ay binawian ng buhay.
Kamakailan ay lumipat siya mula sa Centro Escolar University, kung saan nagbida siya para sa Scorpions sa University and Colleges Athletic League.
Sinabi ng UP OASD na ibinibigay nito ang buong suporta nito sa pamilya ni Friday at hinihiling sa lahat na igalang ang kanilang privacy habang nagdadalamhati sila sa pagkawala nito. RNT/MND