Home NATIONWIDE Sinabi ni VP Sara: ‘Self-serving lies’ para siraan si PBBM, niresbakan ng...

Sinabi ni VP Sara: ‘Self-serving lies’ para siraan si PBBM, niresbakan ng Malakanyang

304
0

MANILA, Philippines – Binuweltahan ng Malakanyang ang “self-serving lies” ni Vice-President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sabay sabing ang mga pahayag ng una ay bahagi ng kanyang “selfish ambition” para pababain sa puwesto ang Chief Executive para makuha nito ang posisyon ng Pangulo.

“Lahat ng kwento niya ay para siraan ang Pangulo dahil nais niyang pababain ito sa pwesto at siya ang maging pangulo. Makasariling hangarin ,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang kalatas.

Sa ulat, sinabi kasi ni VP Sara na hindi nya maintindihan ang paratang na nabigo sya sa kanyang trabaho sa DepEd gayung nakapag-deliver naman sya ng magandang resulta sa DepEd.

Sa katunayan nga aniya noong nagbitiw sya sa pwesto ay pinigilan pa sya ni Pangulong Marcos pero ro tinanggihan nya ang alok ng Pangulo dahil halata naman kasi ang pag-atake sa kanya habang sya ay nagtatrabaho sa DepEd.

Tinanong din sya ng Pangulo sa anong posisyon ang gusto nyang hawakan at inalok pa na tumulong sya sa midterm elections para sa mga senador.

Dagdag ni VP Sara, amoy alak ang Pangulo noong nagpasa sya ng kanyang resignation letter.

Ang buweltang tugon naman ni Castro, ang track record ni VP sara sa DepEd ang “speaks for itself.”

Tinukoy ni Castro ang pag-amin ni VP Sara na kulang siya sa kasanayan pagdating sa pag-develop ng flagship Matatag curriculum.

“Records will speak for themselves. She admitted in one of her speaking engagements that she has no expertise in formulating the Matatag curriculum… Hindi daw niya ma review ang Matatag curriculum dahil wala siyang alam rito. Ang alam niya lang daw gawin ay magpukpok ng tao para magtrabaho,” ang winika ni Castro.

Bukod dito, inabandona rin kasi ni VP Sara ang ilang ‘unresolved issues’ sa DepEd kabilang na ang 1.5 million laptops, tablets, at iba pang learning materials na hindi naipamahagi sa mga estudyante hanggang sa pumalit na nga sa kanyang posisyon si DepEd Secretary Juan Edgardo Angara.

Tinukoy naman ni Castro ang sinasabing P100 million na nawala dahil sa mga pekeng student vouchers sa panahon ng panunungkulan ni VP Sara.

“Napakinabangan na sana ng marami pero binalewala lang. Buti na lang at isinaayos na ito ni Secretary Angara… Buti na rin lang at nadiskubre kaagad ni Sec. Angara ito,” aniya pa rin.

Binatikos din ng Malakanyang ang kredibilidad ni VP Sara, tinukoy ang kanyang naging papel sa pagpapakalat ng “fake news,” kabilang na ang kanyang sinabi na di umano’y pinalitan ang altered Beverly Hills police report at ang viral “polvoron video” na lumalabas na ‘fabricated.’

“Walang katotohanan ang mga kwento niyang ito laban kay Pangulong Marcos Jr. Madali sa kanilang gumawa ng kwento at propaganda lalo pa at inamin ng dating Pangulong Duterte na expert siya sa pagplanta ng ebidensya at paggawa ng intriga,” aniya pa rin.

At kung ikukumpara si Pangulong Marcos sa iba, sinabi ni Castro na mas kapuri-puri si Pangulong Marcos sa work ethic nito, sabay sabing hindi siya katulad ng iba na dumarating ng ‘late sa official functions.’

“Nakita na natin magtrabaho ang Pangulong Marcos Jr. na maagang gumigising para sa mga events at sa mga meetings… Hindi siya tulad ng iba na 4:53 p.m. darating sa venue para sa SONA kahit na 4 p.m. dapat ang SONA,” ang litaniya ni Castro. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here