Home ENTERTAINMENT Kath, inuurutang umamin na sa relasyon nila ni Mayor!

Kath, inuurutang umamin na sa relasyon nila ni Mayor!

294
0

Manila, Philippines- Nadidiktahan ba ang puso?

Kung ito ang premise, posibleng magpadala si Kathryn Bernardo sa payo ng maraming netizens na ang relasyon nila ni Lucena City Mayor Marc Alcala.

Hindi na bago sa pandinig ang pangalan ng guwapo’t batang alkalde ng provincial city ng Quezon Province.

Si Marc ay ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Ashley Ortega noong wala pa siya sa posisyon.

Nag-break na lang ang dalawa upon Marc’s assumption of office.

Sumunod namang naging nobya ni Marc ay ang volleyball player na si Mika Reyes.

Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Marami ngayon ang umuurot kay Kathryn na umamin na sa ilang positibong dahilan, lalo’t lagi silang spotted sa kung saan-saan.

Samantala, isang nagngangalang Amanda raw ang balitang nililigawan ni Daniel.

Nabalita ring taga-Batangas ang isang babaing nililigawan niya mula sa isang mayamang angkan.

Hindi n’yo ba napapansin: sa parteng southern Luzon ang posibleng ipalit nina Kathryn at Daniel sa isa’t isa? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here