Home ENTERTAINMENT BQ ni Coco, tinatalo ng Sang’gre!

BQ ni Coco, tinatalo ng Sang’gre!

259
0

Manila, Philippines – Nitong mga nagdaang araw, nilalampaso ng Encantadia Chronicles: Sang’gre ng GMA ang Batang Quiapo.

Ika nga, the ratings figures will speak for themselves.

At dahil dito, GMA has yet to confirm ang kumakalat na tsikang extended ang airing ng nasabing telefantasya.

Balita kasing kinukuha ng GMA ang sked ng mga pangunahing cast members nito for the scheduling of taping.

Word has it na magkakaroon ng halos 50 pang episodes ang Sang’gre bilang extension.

Sa ngayon, tahimik muna ang GMA.

Pero nakapagbitiw ito ng salita na “Let’s see,” meaning, aalamin nila kung paanong tatakbo ang kuwento.

Iniiwasan daw ng pamunuan na pahabain ito if there’s nothing else to be told.

As for Batang Quiapo, tiyak na nag-iisip ang creative director at bida ring si Coco Martin kung paanong makakabawi sa ratings.

Knowing Coco, he will stop at nothing to make it happen, lalo’t naging kampante sila na hindi sila matitinag.

Isa sa mga araw na ito’y inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang GMA kung extended nga ba ang Sang’gre.

Abangan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here