MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 12-anyos na babae matapos sumabog ang hinihinalang granada na kaniyang napulot sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Labangal, General Santos City.
Ayon sa pamilya at mga kapitbahay, nakarinig sila ng malakas na pagsabog at nakita ang biktima na wala nang buhay habang nakahiga sa duyan, halos hindi na makilala dahil sa tinamong sugat.
Kwento ng nakatatandang kapatid, may dalang lata ang bata bago ito sumabog.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na granada ang laman ng lata na posibleng hindi maayos na naitapon.
May naitalang awayan sa lupa sa lugar at noong nakaraang buwan ay may natagpuang rifle grenade sa kalapit na lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. RNT