MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang ₱6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang suspek sa buy-bust operation sa Barangay Bagong Silang, Balanga City, Bataan nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa Balanga Station Drug Enforcement Unit, nakumpiska ang isang kilo ng shabu, buy-bust money, at drug paraphernalia sa operasyon bandang 10:45 a.m.
“This operation, guided by actionable intelligence, shows that PRO-3 remains firm and uncompromising in its fight against illegal drugs,” ayon kay PRO-3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Balanga police station at nahaharap sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario