Home NATIONWIDE Misamis Oriental todo-alerto vs kumakalat na HFMD

Misamis Oriental todo-alerto vs kumakalat na HFMD

256
0

MANILA, Philippines – Naka-high alert ang Misamis Oriental matapos maitala ang ilang kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa mga batang mag-aaral, karamihan ay mula sa bayan ng Gitagum.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Israel Peralta, nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan at Department of Health para paigtingin ang prevention at gamutan. “Binigyan ng tamang instructions ang mga pamilya dahil hindi pa kailangang i-refer sa ospital ang mga bata,” aniya.

Umabot sa 30 kaso ang naitala sa Gitagum, dahilan para suspendihin ni Mayor April Rose Dablio ang klase sa lahat ng antas mula Agosto 19 hanggang 28.

Patuloy din ang contact tracing at panawagan ng mga health officials na sumunod sa mga health protocol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here