Home NATIONWIDE Real money gambling ads, ititigil na ng Tiktok

Real money gambling ads, ititigil na ng Tiktok

265
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ititigil na ng TikTok ang pagpapalabas ng Real Money Gambling (RMG) ads sa Pilipinas simula Biyernes, Agosto 22.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, boluntaryo ang hakbang ng TikTok bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kampanya ng pamahalaan para sa isang “safe digital nation.”

Giit ni Aguda, mahalaga ang suporta ng mga global platforms upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ng kabataan, laban sa online gambling.

Nagpahayag na rin si Marcos ng pangangailangang protektahan ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang digital threats gaya ng sugal online, scams, maling impormasyon, at pag-abuso sa data. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here