AABOT sa 1,000 pasyenteng dumaranas ng sakit gaya ng Chronic Kidney Disease, Diabetes, Altapresyon, at iba pa ang nakatanggap ng supply ng gamot na pang tatlong buwan sa pamamagitan ng TESDAMAN Medical Caravan na ginanap sa Lungsod ng Makati ngayong Agosto 22, sa pangunguna ng
tanggapan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.Pinasalamatan ni Villanueva ang mga nakaagapay niya sa programa gaya
ng National Center for Mental Health at Pamahalaang Panlungsod ng
Makati na nagsanib-puwersa para mas mabilis maparating ang gamot sa
mga benepisyaryo.CESAR MORALES