Home METRO 14-anyos lalaki, dedo sa sariling pamamaril

14-anyos lalaki, dedo sa sariling pamamaril

175
0

BUKIDNON, Philippines – Patay ang isang 14-anyos na batang lalaki matapos umanong magbaril sa sarili habang nakikipagbuno sa isang empleyado ng paaralan matapos umanong mahuling nagnanakaw sa opisina ng principal sa isang elementarya sa Lantapan, Bukidnon.

Ayon sa ulat, natagpuan ng mga imbestigador ng pulisya ang menor de edad na nakahandusay sa sahig at may baril sa malapit noong Lunes.

“Itong minor, may bitbit pala na .38 revolver. So in the course of grappling ninlang dalawa, nakalabit nitong bata ang armas niya,” ani Police Major Jayvee Babaan ng Bukidnon Provincial Police Office.

“Na-accidenrial itong bata. Natamaan sa katawan niya,” dagdag niya.

Isinasaalang-alang ng pamilya ng batang lalaki ang pagsasampa ng mga kaso laban sa tagapag-alaga ng paaralan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here