QUEZON, Philippines – Dalawang lalaking tumakas sa isang buy-bust operation ang patay matapos silang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Calauag, Quezon.
Ayon sa Quezon Police, naglatag sila ng checkpoint matapos tumakas ang dalawa sa isinagawang operasyon.
Nang mamataang may checkpoint, hindi huminto ang dalawang lalaki sa halip ay pinaputukan ng baril ang mga awtoridad at tumakas.
Nakitang patay ang dalawang suspek, isa sa loob ng sasakyan at ang isa naman ay sa gilid ng highway.
Wala namang nasaktan sa panig ng pulisya.
Sinabi nilang hinihinalang miyembro ng gun for hire group ang isa sa dalawang suspek. RNT/MND