Home METRO Furniture maker pinagbabaril, tigok!

Furniture maker pinagbabaril, tigok!

189
0

ILOCOS SUR, Philippines – Patay ang isang 43-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek/mga suspek sa diversion road sa Brgy. Cabaroan, Bantay ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa Bantay Municipal Police Station, ang biktima ay may asawa, furniture maker, residente ng Brgy. San Pablo, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ayon sa kasama ng biktima, nakasakay sila ng kulong-kulong papuntang Vigan City para mag-deliver ng furniture nang may sumunod sa kanilang isang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang nag-overtake ang motorsiklo at saka sunod-sunod na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek o mga suspek.

Ang biktima na nagtamo ng multiple gunshot wounds ay isinugod sa Metro Vigan Hospital sa Barangay IV, Bantay, Ilocos Sur ng mga rumespondeng MDRRMO personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang shooting incident ang kasama ng biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino o sino-sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here