Home NATIONWIDE Kasakiman, katiwalian sa likod ng baha, gutom, tinuligsa ni Cardinal Tagle

Kasakiman, katiwalian sa likod ng baha, gutom, tinuligsa ni Cardinal Tagle

230
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homily sa deklarasyon ng National Shrine of Our Lady of Aranzazu noong Biyernes na ang kasakiman at kawalan ng pananagutan ay ginagawang mga tinik ang lupain.

Ang pahayag ng Cardinal ay kaugnay sa nararanasang malawakang pagbaha na aniyaý kahit kaunting ulan ay nagmimistulang dagat.

Ayon pa kay Cardinal Tagle, kapag nawalan ng responsibilidad at namayani ang pagkaganid ay nasisira ang lupa, nasisira ang dagat, nasisira ang kalikasan at ang ating mga trabaho.

Bukod dito, sinabi ni Cardinal Tagle na nadadagdagan din ang mga korupsyon, at ang bunga –tinik.

Pinuna rin ni Tagle ang tinatawag niyang “kamay na matitinik” o tinik na mga kamay na aniya ay nag-aambag sa kagutoman at paghihirap ng mga tao.

Ang mga usapin o isyu na ito ay hindi na aniya natatangi sa Pilipinas.

Umuwi si Cardinal Tagle sa Pilipinas para dumalo sa ika-69th wedding anniversary ng kanyang mga magulang kung saan bumisita rin siya sa ibat-ibang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here