MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang ‘zero billing’ sa mga DOH hospitals sa Luzon, Visayas at Mindanao, ayon sa Department of Health (DOH).
Ibinahagi ni Dr. Monserrat S. Chichioco sa programang PinaSigla ng DOH na umabot na sa 11,000 na pasyente ang naserbisyuhan ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital mula nang inanunsyo ng Pangulong Marcos Jr. ang Zero Balance Billing noong Hulyo.
Ayon sa DOH, nagkakahalaga ang mga serbisyo para sa mga pasyenteng ito ng P480,700,000.00.
Samantala, sa Cotabato Regional and Medical Center umabot naman sa 8,223 ang naserbisyuhan ng Zero Balance Billing program at nagkakahalaga ito ng mahigit P200,000,000.00 ayon kay Dr. Ishmael R. Dimaren.
Nauna nang binista ni PBBM at Sec. Ted Herbosa ang Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban at East Avenue Medical Center sa QC na kapwa rin nagbahagi ng kanilang Zero Balance Billing implementation na mandato ng Pangulo sa lahat ng DOH Hospitals. Jocelyn Tabangcura-Domenden