CAGAYAN DE ORO, Philippines – Tatlong rider ang nasawi, at dalawang angkas ang sugatan nang mahagip ng truck ang kanilang mga motorsiklo dahilan upang mahulog din ang mga ito sa bangin sa Cagayan de Oro City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa city proper ang tatlong motorsiklo habang patungo sa Talakag, Bukidnon ang truck na may kargang mga graba nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office Spokesperson, Capt. Emilita Simon, sinabi ng driver na pumalya ang preno ng truck kaya natamaan niya ang mga motorsiklo.
Nahulog din ang mga biktima sa bangin na may lalim na 30 hanggang 50 metro.
Mahaharap ang truck driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. RNT/MND