Home METRO 3 dedo, 2 sugatan sa suwagan ng motorsiklo, truck sa CDO

3 dedo, 2 sugatan sa suwagan ng motorsiklo, truck sa CDO

313
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Tatlong rider ang nasawi, at dalawang angkas ang sugatan nang mahagip ng truck ang kanilang mga motorsiklo dahilan upang mahulog din ang mga ito sa bangin sa Cagayan de Oro City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa city proper ang tatlong motorsiklo habang patungo sa Talakag, Bukidnon ang truck na may kargang mga graba nang mangyari ang insidente.

Nahulog din ang mga biktima sa bangin na may lalim na 30 hanggang 50 metro.

Mahaharap ang truck driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here