Home METRO Ina, patay sa suntok ng anak; bangkay, itinago

Ina, patay sa suntok ng anak; bangkay, itinago

251
0

MISAMIS OCCIDENTAL, Philippines – Nasawi ang isang ginang nang tumama ang ulo nito sa sahig matapos suntukin ng kaniyang 15-anyos na anak. Ang biktima, na 55-anyos ay naaagnas na bangkay na nang matagpuan sa kaniyang bahay sa Misamis Occidental.

Sinabi nitong Miyerkules na nadiskubre ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima dahil sa masangsang na amoy mula sa bahay nito sa Barangay Northern Poblacion sa bayan ng Plaridel.

Ayon sa pulisya, sumuko ang 15-anyos na anak ng biktima isang araw matapos madiskubre ang bangkay ng kaniyang ina na nakatakip pa sa mukha.

Ayon sa binatilyo, noong Agosto 15, nagtalo sila ng kaniyang ina dahil humingi siya ng pagkain sa kaniyang ina pero tumanggi ito. Dahil dito, nasuntok niya ang kaniyang ina at natumba kaya tumama ang ulo sa sahig. Ngunit na sa halip na humingi ng tulong, dinala niya ang walang malay na ina sa kuwarto, binalutan ang mukha nito, nilinis ang dugo sa sahig, at saka umalis ng bahay.

Sasampahan ng parricide case ng mga awtoridad ang binatilyo pero ang korte ang magpapasya rito dahil sa menor de edad ang suspek.

“PRO-10 regrets the tragic case in Plaridel, Misamis Occidental where a 15-year-old minor killed his own mother. The child, who came from a dysfunctional family with separated parents, has surrendered and is now under the care of authorities with the MSWD,” ayon sa Police Regional Office-10.

“We assure the public that justice will be served while also stressing the importance of strong family support to prevent similar incidents,” dagdag nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here