QUEZON CITY, Philippines – Mabigat na daloy ng trapiko ang tumambad sa mga motorista sa northbound lane ng C5 Road malapit sa Eastwood, Libis area ng Quezon City Sabado ng umaga dahil sa road reblocking activities.
Naglabas ng advisory ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga motorista hinggil sa pagsasaayos ng kalsada sa lugar.
Dalawang inner lane (northbound) malapit sa center island ang inookupahan ng mga cement mixer na naka-deploy para sa reblocking work. RNT/MND