Home NATIONWIDE Presyo ng karneng baboy tataas sa ‘ber’ months

Presyo ng karneng baboy tataas sa ‘ber’ months

417
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng mga karneng baboy sa pagpasok ng “ber” months kasabay sa pagtaas ng demand nito at pagbaba ng produksyon sa tag-ulan.

Mula sa average farm-gate price na P190 kada kilo, posibleng tumaas ng hanggang P230 kada kilo ang farm-gate price ng lokal na karneng baboy at magpapataas naman sa retail price na hanggang P350 kada kilo, ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines.

“‘Ber’ months na, of course, tataas na ulit ang mamimili ng local [pork] so expected na tataas na rin ang farm-gate price,” pahayag ni Eric Harina, pangulo ng PPFP sa panayam ng DZBB.

Samantala, iginiit ni Harina na bagamat mababa pa ang kasalukuyang farm-gate price ng baboy, ang retail price ay mataas pa rin sa P330 kada kilo hanggang P380 kada kilo.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang “weak production” dahil sa nagpapatuloy na problema sa African Swine Fever at naghihintay pa ang industriya sa commercial availability ng anti-ASF vaccine.

Idinagdag pa niya na nagpahina rin sa produksyon ang sunod-sunod na mga pag-ulan dahil karaniwang nagkakasakit ang mga baboy sa ganitong panahon.

“Last year 2024, nasa 8.7 million, ngayon nasa 8.8 million barely 100,000 increase… mahina ang produksyon,” sinabi ni Harina.

Nakadagdag din ang kompetisyon sa mga imported na baboy na mas mura kumpara sa lokal na produkto.

“Ang imported nasa P240 to P300 per kilo… ‘Yung local napansin namin na matumal dahil mas mura ang imported ngayon.”

Dahil dito, suhestyon ng grupo na alisin ang middleman system at episyenteng pagsasagawa ng farm-to-market o retailer system. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here