Home METRO Ex-parak, 2 kasabwat na holdaper timbog sa Bulacan

Ex-parak, 2 kasabwat na holdaper timbog sa Bulacan

199
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga rumespondeng pulis ang tatlong magkababayan kabilang ang dating pulis nang mangholdap sa Santa Maria nitong Agusto 26.

Kinilala ang mga suspek na kapwa tubong Northern Samar na si alyas Chilito, 44, residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon city, alyas Roque, 50, former police officer, ng Trese Martirez, Cavite at alyas Ric, 44 ng Blumentrit, Manila.

Sa report ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, naganap ang insidente bandang alas-10:40 ng umaga sa Brgy. Poblacion.

Ayon sa imbestigasyon, pumarada ang 71 anyos na lalaking negosyante na magdedeposito sa isang bangko nang harapang tutukan ng baril ni alyas Chilito hanggang puwersahang kinuha ang kanyang pera.

Mabilis na sumakay si alyas Chilito sa pink Yamaha Mio motorcycle na minamaneho ni alyas Roque at mablis na tumakas sa direksyon ng Brgy. Catmon.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang biktima sa nakitang traffic enforcer na agad tumawag sa istasyon ng pulisya at agad rumesponde sa lugar kaya nahuli ang tandem.

Sinasabing sa follow up investigation, inginuso rin ng mga suspek si alyas Ric na tumatayong “spotter” kaya naaresto rin kalaunan.

Nakumpiska sa mga suspek ang Glock 22 Gen. 4 cal. .40 pistol, magazine na may 12 balang hollow point, Yamaha Mio 125 motorcycle at P550,000.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here