MANILA, Philippines – Hindi madaanan ang ilang kalsada sa bayan ng Uyugan at Mahatao sa Batanes matapos umagos ang mga putik at debris kasunod ng malalakas na pag-ulan at hangin, sinabi ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Miyerkules, Agosto 27.
Sa Uyugan, sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang Interior Road sa Barangay Imnajbu.
Inabisuhan ng PDRRMO ang mga motorista na maghanap muna ng ibang ruta at sinabing ang clearing operations ay magsisimula “once weather permits.”
Naitala naman ang mga rockfall sa kalsada sa Batan Island, Mahatao kabilang ang Ahaw/Blue Lagoon, Chatapuyan, Shelter Port, at Paderes Viewpoint.
“Travelers should exercise extreme caution in these areas. Stay updated on advisories from local authorities,” dagdag pa ng PDRRMO. RNT/JGC