Home ENTERTAINMENT Sanya, nakiusap sa mga bashers!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sanya, nakiusap sa mga bashers!August 27, 2025 14:123160 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sanya Lopez can only take so much.Ito’y may kaugnayan sa sobra-sobrang pamba-bash na natatanggap niya.Hindi ang akting ng Kapuso actress ang pinagtitripan ng mga bashers niya–kundi ang anila’y palpak na pagpaparetoke niya ng ilong.Sinukuan na nga ni Sanya ang labis na bashing to the point na nakikiusap na siyang tigilan na siya ng kanyang mga social media attackers.Nasasaktan na raw siya sa sinasabi ng mga netizens na nagmukha raw siyang Pinnochio.Bale ba, asang-asa pa naman si Sanya na babagay sa kanya ang ipinaretokeng ilong niya only to get bashed.Ayon pa sa mga netizens, sisihin daw ni Sanya kung sinuman ang nag-advise sa kanya na sumailalim sa nose job. Ronnie Carrasco III