Home NATIONWIDE 2 parak isinailalim sa preventive custody sa panghihipo sa babaeng pulis sa...

2 parak isinailalim sa preventive custody sa panghihipo sa babaeng pulis sa police mobile

226
0

MANILA, Philippines – Dinisarmahan at isinailalim sa preventive custody ng Marikina City Police Station ang dalawang pulis sa umano’y panghihipo at paghawak sa maselang bahagi ng isang babaeng pulis sa loob ng police car.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente gabi ng Agosto 17.

Ang mga suspek at biktima ay magkakasama sa iisang unit ng naturang police station.

Inabot pa ng ilang araw bago tuluyang nakapaghain ng report ang babaeng pulis.

“Allegedly, ‘yun nga, hinawakan siya nung kasama niya na pulis sa maselan part ng katawan niya… doon mismo sa loob ng mobile,” pahayag ni Police Brig. Gen. Aden Lagradante, direktor ng Eastern Police District.

“Ang nabasa ko… is only hinipuan siya, but as to the sexual act hindi pa malinaw,” dagdag pa.

Itinanggi naman ng dalawang pulis ang alegasyon.

Itinalaga na muna sa EPD ang babaeng biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here