Home SPORTS Ginebra mag-eensayo na, “Flying A” kasama

Ginebra mag-eensayo na, “Flying A” kasama

279
0

HINDI pa magsisimula ng ensayo ang Barangay Ginebra para sa PBA Season 50.

Ayon kay Isaac Go, naghihintay pa sila ng pormal na pagkikita kasama ang bagong deputy coach na si Johnny Abarrientos.

Dagdag ni Go, magsisimula sila ng ensayo sa Setyembre 8, matapos ang PBA Rookie Draft.

Doon pa lamang sila opisyal na makakatrabaho si Abarrientos na pumalit kina LA Tenorio at Kirk Collier sa coaching staff.

Bagama’t wala pang pormal na introduksyon, kilalang-kilala na ng mga manlalaro si Abarrientos bilang dating MVP at tinaguriang “Flying A.”
Isa pang koneksyon ay ang pagkakaroon ng Ginebra star na si RJ Abarrientos na pamangkin niya.

Ayon kay coach Tim Cone, aktibo na si Abarrientos sa coaching staff at dumadalo sa lahat ng team events. Dati ring naglaro at nagretiro sa Ginebra ang beterano bago naging coach sa iba’t ibang koponan.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here