Home OPINION PINASIKAT AT HINAMAK

PINASIKAT AT HINAMAK

219
0

NAKABIBIGLA at nakahihiya ang paraan ng pagkakasipa kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police.

Matapos kasing pasikatin at wari bagang mahirap tibagin sa pwesto, biglang nagiba ang tore.

Ang pagsibak daw kay Torre ay konektado sa isyu nang pag-recall niya sa promosyon ng mga opisyal ng Philippine National Police at muling pagtatalaga sa ilan.

May mas malaki siyang pader na nasagasaan kaya ito nangyari sa kanya.

Iniisip tuloy ng marami, naging banta ba siya sa ilang tao sa administrasyon?

Ang pagtanggal kay Torre ay katibayan na gaano ka man katapat o kaseryoso sa paglilingkod sa administrasyon, wala rin itong kwenta kapag ikaw ay “napagtripang sipain”.

Ito rin ay nagpapatunay sa paniniwala na ang mga desisyon sa Malacañang ay nakabatay sa kung sino ang unang “makapagbubulong na bubuyog” sa Pangulo.

May pa-“consuelo de bobo” naman ang Palasyo kay Torre. Bibigyan daw siya ng posisyon sa gobyerno.

Ano ‘yun, mistula siyang bata na inagawan ng ‘ice cream’ at pagkatapos ay bibigyan ng ‘candy’ para huwag umiyak?

At ‘yun bang kinuha sa kanya ang hawak na tinapay, bibigyan ng bato na panghampas sa kanyang ulo at magsasabi pa ng “Salamat”?

Nakita natin na sobrang sama ng loob ni Torre. Hindi siya masaya sa nangyari kaya nga hindi siya sumipot sa turn-over of command sa Camp Crame.

Sa totoo lang ay kasalanan ito lahat ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na hindi naging mabuting “boss” para kay Torre.

Parang inilagay kasi siya sa isang malaking panganib. Ang dati’y pinakamakapangyarihang pulis ay pwersahang sinipa tungo palabas ng Camp Crame.

Hindi namalayan ni Torre na bigla siyang itutulak sa malalim na bangin ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan at pinagsilbihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here