Home OPINION DESISYON NG SC SA 14 O 16 MINIMUM BOTO SA CONVICTION...

DESISYON NG SC SA 14 O 16 MINIMUM BOTO SA CONVICTION NI VP SARA MAKAHAHABOL KAYA?

6
0

TINANGGAP bilang lehitimo ng Supreme Court ang petisyon nina Senador Bong Go at Robin Padilla, kasama ang PDP-Laban at iba pa laban sa ibinabang minimum na boto mula 16 sa 14 ng senator-judges para maideklarang guilty si Vice President Sara Duterte.

Bagaman pinalabas lang noong Oktubre 29, may petsang Oktubre 14, 2026 ang desisyon ng SC na nag-uutos sa House of Representatives at Senate Impeachment Court na magkomento sa petisyon sa loob ng limang araw nang walang pagpapalawig makaraang matanggap nila ito.

Sentro ng usapin ang Article XI, Section 3(6) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na nagsasabing, “Walang sinomang mapaparusahan o mahahatulan nagkasala sa isang impeachment trial nang walang pagsang-ayon o concurrence ng dalawang-katlo (two-thirds) ng lahat ng miyembro ng Senado.

Nangangahulugan ito ng 16 boto ngunit ibinaba ng 13 senator-judges sa 14 batay sa aktuwal at ligal na dumadalo sa paglilitis gaya ng 20 senator-judges dahil apat ang hindi nakadadalo noon sa iba’t ibang kadahilanan.

Kinukwestiyon nina Go ang desisyong ito noong Setyembre 23 at nais nilang ipadeklara sa Hukuman na labag ito sa Konstitusyon lalo’t hindi naman natanggal ang mga absent na senador sa bisa ng termino na expired, pagkasibak sa pwesto, kamatayan, resignasyon at iba pang dahilan upang permanente silang maituturing nang hindi senador at senator-judges.

Ngayon naman, inaasahang matatapos ang buong paglilitis ngayong Nobyembre o kaya sa Disyembre at pinabilis ito ng pag-aatras ng prosekusyon ng dalawang articles of impeachment, kasama ang isang hindi nilitis, at tanging ang pagpiprisinta ng ebidensya ng depensa ni VP Sara ang natitirang isasailalim sa paglilitis.

Ano kaya ang magiging desisyon ng Hukuman sa minimum na boto o voting threshold at makahahabol ba ito sa araw na ideklara ng Senate Impeachment Court na guilty o hindi si VP Sara?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here