MASBATE, Philippines – Kinumpiska ng Port Management Office (PMO) Masbate katuwang ang ilang ahensya ang dalawang truck na naglalaman ng mga kahoy na kulang sa dokumento mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Pantalan ng Masbate.
Sa inisyal na ulat, nakatanggap ang PMO Masbate ng impormasyon mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Mobo hinggil sa mga truck na nagdadala ng kahoy na hindi kumpleto ang kaukulang dokumentasyon.
Sa imbestigasyon, natuklasan na hindi tumutugma ang idineklarang bilang at sukat ng mga kahoy sa aktwal na kargamento.
May kargang Mahogany at Gmelina ang isang truck habangĀ ang isa naman ay may Falcata.
Agad na ipinag-utos ng mga awtoridad na huwag paalisin ang mga truck habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) posibleng panagutin ang mga sangkot alinsunod sa Revised Forestry Code of the Philippines na nagbabawal sa ilegal na pagbiyahe at pagbebenta ng mga produktong kahoy nang walang kaukulang permit mula sa DENR. Jocelyn Tabangcura-Domenden