Home HOME BANNER STORY Akbayan nagpiket sa opisina ni Discaya sa mga isyu sa flood control...

Akbayan nagpiket sa opisina ni Discaya sa mga isyu sa flood control projects

362
0

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Akbayan Party-List sa harap ng opisina ng St. Gerrard Construction office sa Pasig City nitong Biyernes, Agosto 29 para iprotesta ang kaugnayan umano ng pamilya Discaya sa maanomalyang flood control projects.

Si Sarah Discaya ay lumaban kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagka-alkalde noong nakaraang halalan. Siya ang may-ari ng St. Gerrard at iba pang construction companies.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na dumalo sa aktibidad, ang piket ay pagpapakita ng kanilang galit sa korapsyon.

“Kahit offline maramdaman nitong mga kontratista, ng mga tiwaling opisyal ang galit ng taumbayan kasi tingin ko ito yung mahalagang simula para buksan itong mga usapin pagdating sa katiwalian kung saan mayroon talagang totoong mapapanagot.”

Aniya, ang kampanya ay ikinokonsiderang tagumpay kung mapananagot ang mga kurakot na kontratista at mga opisyal ng pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan si Cendaña sa mga Discaya na humarap sa pagdinig sa Kamara sa Setyembre 2 para sa kwestyonableng flood control projects.

“Itong refusal nila to participate dito sa processes for accountability baka guilty kaya ganyan nagtatago at ayaw humarap.”

Aniya, ipapa-subpoena niya ang mga Discaya kung bigong dadalo sa hearing. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here