Home ENTERTAINMENT BB, sinupalpal ni Ogie!

BB, sinupalpal ni Ogie!

253
0

Manila, Philippines- Supalpal ang inabot ni BB

Gandanghari mula sa talent manager cum content creator na si Ogie Diaz.

Ito’y dahil sa isang napakalumang isyu involving his former ward Vice Ganda.

Viral kasi lately ang pang-ookray ni BB sa TV host.

Bahagi ng rant ni BB ay may kinalaman sa itura ni Vice Ganda:

“Mukha pa ba siyang kabayo?

“Tanggalin muna niya ang makeup sa mukha niya at wig niya, saka ko sasabihin ang opinyon ko!”

May kasama ring pang-aalipusta ito sa nilalaman ng utak ni Vice Ganda: “Masuwerte ka dahil sikat ka…pero bobita ka naman!”

Ani Ogie, old issue na raw ito na hindi na raw dapat binuhay pa ni BB.

Pero nauunawaan niya ito from a vlogger’s perspective–BB needed to come up with a content lalo pa’t solo lang ang exposure nito at walang kabatuhan ng linya.

Samantala, ayon sa Showbiz Now Na main host na si Cristy Fermin, resbak daw ito ni BB sa pang-ookray noon sa kanya ni Vice Ganda.

Ito raw ‘yung panahong nagmomodel si BB sa New York na pinagtaasan ng kilay ni Vice Ganda.

Nasa late 40s na raw kasi noon si BB, way too old for her pursuit of a modeling career.

Sinabihan pa ni Vice Ganda na baduy kung manamit si BB, na maganda naman daw ang mga isinusuot pero mismatch.

Hahaba pa kaya ang giriang ito? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here