Home METRO Plastic-palit-WiFi, proyekto ng SK sa Quezon

Plastic-palit-WiFi, proyekto ng SK sa Quezon

413
0

MANILA, Philippines – Sa Tagkawayan, Quezon, maaari nang ipalit ang mga plastic bottle kapalit ng WiFi access gamit ang Eco-nnect WiFi Vendo Machine, proyekto ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Poblacion.

Ayon kay SK Chairperson Angela Salumbides, hango sa piso WiFi vendo machine ang proyekto na pinagsasama ang teknolohiya at pangangalaga sa kalikasan. Ipinaliwanag ng developer na si Frederick Contreras na bote ang tinatanggap ng makina kapalit ng barya, at may sensor itong nagbibilang sa real time.

Katumbas ng isang bote ang 10 minutong internet, limang bote para sa isang oras, at sampung bote para sa tatlong oras. Kailangan lang kumonekta sa “Eco-nnect WiFi Vendo” SSID at sundin ang portal upang makapagsimula.

Plano ni Salumbides na maglagay pa ng mga makina sa palengke at plaza ng bayan. Layunin din ng proyekto na makatulong laban sa plastic waste, na umaabot sa tinatayang 2.7 milyong tonelada taun-taon sa Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here