Suportado ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang panawagan para sa lifestyle check ng mga opisyal ng gobyerno ngunit nagbabala laban sa paggamit ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) bilang “sandata” laban sa mga pulitiko.
Ayon kay Zubiri, dapat ilabas ang SALN lalo na kung walang itinatago ang opisyal, ngunit marami rin umanong lokal na opisyal ang hindi marunong gumawa nito nang tama at nagiging target ng mga kalaban sa pulitika sa pamamagitan ng mga kaso sa Ombudsman tuwing eleksiyon.
“Ang SALN ay public document… pero nais ko lang magbabala na ‘wag sana itong gamitin bilang sandata laban sa mga pulitiko,” ani Zubiri.
Dagdag niya, dapat isailalim sa lifestyle check ang parehong halal at itinalagang opisyal, lalo na ngayong iniimbestigahan ang mga iregularidad sa flood control projects.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa lifestyle check. RNT