MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng ‘ber months’, ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ay nanawagan sa lahat ng parokya at pamilyang Pilipino na makiisa sa Season of Creation 2025 mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 4.
Sinabi ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ito ang pagkakataon upang pasalamatan ang Diyos sa kaloob ng kalikasan at pagtibayin ang misyon ng bawat isa bilang katiwala ng mundo.
Ibinahagi rin ni Cardinal David na inaprubahan ni Pope Leo XIV ang bagong Votive Mass for the Care of Creation na isasama sa Roman Missal, bilang gabay sa panalangin at ekolohikal na pagbabagong-loob.
Ayon pa sa CBCP, hindi maaaring balewalain ang mga banta ng climate change, pagkasira ng kapaligiran, at labis na paggamit ng likas-yaman na lalo pang nagpapahirap sa mga mahihirap at maralita.
Hinimok ng simbahan ang bawat isa na magdasal, mag-ingat sa kalikasan, bawasan ang basura, at pangalagaan ang kagubatan, karagatan, at himpapawid para sa susunod na henerasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden