Home HOME BANNER STORY 800 tigok sa lindol sa Afghanistan; search and rescue nagpapatuloy

800 tigok sa lindol sa Afghanistan; search and rescue nagpapatuloy

214
0

KARACHI, Pakistan — Umabot na sa 800 ang nasawi at 2,500 ang sugatan matapos yanigin ng magnitude 6 na lindol ang silangang Afghanistan noong Linggo ng gabi, ayon sa mga opisyal.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol malapit sa Jalalabad sa lalim na 8 km. Pinakamalalang tinamaan ang ilang distrito ng Kunar province, kung saan nagkaroon ng landslide na humarang sa mga kalsada at nagpahirap sa mga rescuers.

Ilang helicopter ang ginagamit para mailikas ang daan-daang sugatan papunta sa Nangarhar Regional Hospital, habang nagpapatuloy ang pagdating ng mga aid teams sa liblib na lugar. Dalawang aftershock na may lakas na 5.2 magnitude ang naramdaman matapos ang lindol.

Naglaan ang pansamantalang pamahalaan ng 100 milyong AFN ($1.4M) para sa mga biktima at bumuo ng komite para sa relief efforts.

Kasama ng UN at humanitarian groups ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng agarang tulong. Nagpahayag ng pakikiramay si UN Secretary-General Antonio Guterres. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here