Home NATIONWIDE SOJ Remulla, PCSO Chair Reyes wala pang clearance sa Ombudsman – SC

SOJ Remulla, PCSO Chair Reyes wala pang clearance sa Ombudsman – SC

272
0

MANILA, Philippines – Wala pang naisusumiteng ‘clearance’ mula Ombudsman ang dalawang aplikante na sumalang ngayong Setyembre 2 sa public interview ng Judicial and Bar Council.

Sa isang panayam, kinumpirma ito ni Atty. Camille Sue Mae Ting, SC spokesperson na sina Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Philippine Charity Sweepstakes Office Chairperson Felix Reyes ay bigo pang makapasumite nito.

Maalala na sinampahan ni Senator Imee Marcos ng reklamo si Justice Secretary Remulla sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng pagkakaaresto at paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.

Bagama’t walang clearance ang dalawang nabanggit na mga aplikante/kandidato pagka-Ombudsman, sila’y pinahintulutan pa rin na sumalang sa public interview ngayong araw sa Korte Suprema.

Ayon kay Ting, binigyan si Remulla ng ilang linggo para magsumite ng clearance hanggang sa huling araw ng deliberasyon para sa shortlist.

Ngunit kapag walang maisusumiteng Ombudsman clearance sa itinakdang deadline sina Remulla at Reyes, hindi sila maikokokonsiderang nominado para sa posisyon ng Ombudsman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here