Home NATIONWIDE Internal cleansing sa DPWH, isasagawa ni Dizon

Internal cleansing sa DPWH, isasagawa ni Dizon

336
0

MANILA, Philippines – Lilinisin ng bagong liderato ng Department of Public Works and HIghways (DPWH) sa pamumuno ng bagong Secretary Vince Dizon ang kanilang hanay sa loob ng 60 araw.

Sa ginanap na turn over ceremony sa DPWH, Martes ng hapon, sinabi ni Dizon na sinimulan ito sa internal cleansing kung saan pinagsusumite niya ng courtesy resignation ang lahat ng opisyal nito mula ‘top to bottom’ hanggang sa manormalized.

Ayon kay kay Dizon hindi madali ang gagawing internal cleansing pero ito ay kinakailangan.

Naniniwala ang kalihim na marami ang magagaling, matitino, masisipag na mangagawa sa DPWH pero hindi maiiwasan sa isang organisasyon na magkaroon ng ilang problema na kailangang alisin.

Makalipas ang maximum na 60 araw dito malalaman kung handa na ba ang DPWH na harapin ang mga problema tulad ng pagbaha, flood control project at iba pang malalaking proyekto ng DPWH.

Umapela naman si Dizon hindi lamang sa mga kawani at opisyal na magtulong-tulong upang maresolba ang mga problema na kinakaharap ngayon ng departamento.

Malinaw aniya ang harangin ng pangulo na dapat mapunta sa taong bayan at tamang proyekto ang pondo ng pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here