Home ENTERTAINMENT Espada ni Echo sa Panday, inalok kay Boss Toyo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Espada ni Echo sa Panday, inalok kay Boss Toyo!September 2, 2025 17:333590 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nadagdagan na naman ang koleksyon ng mga memorabilia sa shop ni Boss Toyo.Ito’y makaraang ibenta sa kanya ang espadang ginamit ni Jericho Rosales sa TV adaptation ngPanday na umere sa ABS-CBN noong 2005.Ang nagbenta ng nasabing prop ay si Nookie, bunsong kapatid ng aktor.Kasama ni Nookie ang kanyang partner of 25 years.A self-confessed drug dependent, galing na ng rehab facility ang kapatid ni Echo.Matagal na raw inuurot ng aktor na ibenta ng kapatid ang espada na nasa pag-lingat nito for 20 years.Dati ring lumabas sa Season 2 si Nookie sa TV version ng Panday na umabot din sa ikatlong season.Bagama’t walang ideya si Nookie kung magkano ito, ibinase na lang niya ito sa tagal ng pag-iingat nito.Ending–he was selling it at P200k.Isang expert sa production props ang ipinatawag ni Boss Toyo para surlin ang espada.Sa museum ni Boss Toyo mapapabilang ang espadang ‘yon along with other popular celebrities’ stuff sold. Ronnie Carrasco III