Home ENTERTAINMENT DD, hinahamon ang liderato sa AKTOR!

DD, hinahamon ang liderato sa AKTOR!

271
0

Manila, Philippines – Biglang pumasok sa isip ng mga netizens si Dingdong Dantes sa kontrobersyang kinasangkutan ni Sandro Muhlach.

Lumabas nga kasi ang mga pangalan ng dalawang “gay executives” ng GMA na ayon kay Sandro ay nanghalay sa kanya.

Si Dingdong kasi ang tumatayong pangulo ng organisasyong AKTOR o League of Filipimo actors.

Sa kaso kung saan involved ang anak ni Niño Muhlach ay ano raw ba ang naging stand ng AKTOR sa pamumuno nga ni Dingdong?

Malaking hamon daw ito sa liderato ng GMA Primetime King.

Ang sabi pa, tiyak daw namang nakatrabaho na ni

Dingdong sina Nones at Cruz sa mga nakalipas niyang show sa GMA.

Bakit nga kaya hanggang ngayon ay wala pa ring say si Dingdong sa kaso ni Sandro? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here