Home OPINION PAMBIHIRANG LAKAS NG PAG-ULAN, NAGDULOT NG PERWISYO SA QUEZON CITY

PAMBIHIRANG LAKAS NG PAG-ULAN, NAGDULOT NG PERWISYO SA QUEZON CITY

323
0

MATINDING pagbaha ang naranasan sa ilang lugar sa Quezon City noong Agosto 30, 2025 (Sabado) lalo na sa District 1, 3 at 4, na nagdulot ng perwisyo at pagkaabala sa publiko.

Base sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa kabuuan 142 barangay, 36 barangay sa lungsod ang naapektuhan ng matinding pagbaha.

Sa preliminary analysis ng UP Resilience Institute at UP NOAH Center batay sa rain gau­ges at weather stations sa Metro Manila ng PAGASA at IRISEUP ng QC government, mailalara­wan bilang “phenomenal” o pambihira ang pag-ulan kanina na ang pinakabulto ay naitala sa Quezon City at Nangka, Marikina.

Umabot sa 121 millimeters sa loob lamang ng isang oras ang kasagsagan ng ulan kanina sa Quezon City, higit na mataas kaysa sa pinakamataas na lakas ng ulan sa loob ng isang oras noong panahon ng Bagyong Ondoy (~90 mm/oras).

Hindi kinaya ng drainage system ng lungsod ang napakara­ming tubig-ulan sa napakaikling oras kaya nagresulta ito ng ma­lalang pagbaha, maging sa ilang lugar na hindi karaniwang binabaha.

Ang agaran at tuloy-tuloy na pagsasaayos ng drainage system ang sinisikap nating solus­yunan base na rin sa isinasaad ng Drainage Master Plan ng lungsod.

Naging mabilis naman ang paghupa ng tubig dahil sa wa­lang humpay na declogging ope­ration ng Department of Engineering na isinasagawa buong taon. Agad na ring kumilos ang Department of Sanitation and Cleanup Works para maalis ang mga gamit ng mga residente na tinangay ng baha at humarang sa mga daluyan ng tubig.

Patuloy na isusulong ng lokal na pamahalaan na ganap na maipatupad ang nilalaman ng Drainage Master Plan bilang pangmatagalan at epektibong solusyon sa pagbaha sa lungsod, sa halip na flood control projects na hindi dumaan sa pag­susuri at pag-aaral ng lokal na pamahalaan.

Nag-utos na rin si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., na ibalik ang dating patakaran kung saan kailangang kumuha muna ng pagsang-ayon mula sa mga local government units (LGU) bago isagawa ang mga proyektong pinopondohan ng pambansang pamahalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here