Home METRO Sanggol, 2 batang lalaki nasagip sa online exploitation; bebot arestado

Sanggol, 2 batang lalaki nasagip sa online exploitation; bebot arestado

306
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad sa Iligan City ang isang anim na buwang gulang na sanggol at dalawang batang lalaki, edad anim at apat, sa operasyon laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa Barangay Tambacan.

Nagsilbi ng search warrant ang Task Force OSAEC ng Iligan City Police Office kasama ang iba pang yunit ng pulisya, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 21-anyos na babae at pagkakakumpiska ng mga gadget na pinaghihinalaang naglalaman ng child sexual abuse materials.

Hindi ibinunyag ng pulisya ang kaugnayan ng suspek sa mga biktima.

Giit ng task force: “Walang batang dapat dumanas ng ganitong kalupitan, lalo na ang mga inosente at walang laban.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here