Home NATIONWIDE Data sharing sa policy making, napagkasunduan ng BSP, DOLE

Data sharing sa policy making, napagkasunduan ng BSP, DOLE

262
0

MANILA, Philippines – Pumirma ng isang memorandum of understanding (MOU) ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang pahusayin ang data sharing, na magbibigay-daan sa central bank na gumawa ng pananaliksik na makakatulong sa pagpapalakas ng mga patakaran sa pagtatrabaho.

Ayon sa BSP, sa pinirmahang MOU maaaring magamit ang mga data set ng DOLE upang masubaybayan nang mabuti ang mga kondisyon ng labor market, at gumawa ng mga kaugnay na patakaran upang matiyak ang price stability. Patatalasin din nito ang mga estratehiya sa labor market, at pagbubutihin ang paghahatid ng mga serbisyo sa trabaho.

“The MOU strengthens our ability to see the whole picture. With secure and timely data sharing, we can respond faster and smarter,” saad ni BSP governor Eli Remolona Jr.

“Together, we can align our policies to serve the Filipino people better. I am excited for what this partnership will bring. Good data lead to good policy, and good policy leads to good progress,” dagdag niya.

Ang dalawang partido ay nangako na itaguyod ang data privacy at seguridad sa ilalim ng MOU, na nilagdaan sa isang seremonya sa BSP Head Office sa Maynila noong Biyernes, Agosto 29. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here