Home METRO Lolong tulak laglag sa P1.3-M ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Lolong tulak laglag sa P1.3-M ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

259
0

BULACAN, Philippines – Aabot sa P1,360,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa lolong tulak sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya bayan ng Calumpit nitong Setyembre 3.

Sa ulat ni PLTCOL Leopoldo Estorque, Acting chief of police ng Calumpit police station, kinilala ang suspek na si alyas “Sacho” residente ng Brgy. San Marcos.

Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit gabi ng Miyerkules sa Brgy. Palimbang ng nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang tatlong sachets, dalawang plastic bag na hinihinalang shabu na tumimbang ng nasa 200 gramo na may standard drug price P1,360,000, mga drug paraphernalia at buy-bust item.

Sinasabing isinagawa ang wastong dokumentasyon at imbentaryo ng mga kumpiskadong ebidensya sa harap ng suspek at mga kinatawan mula sa DOJ, media at halal ng opisyal ng barangay.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here