Home ENTERTAINMENT Sarah, may patutsada sa contractors!

Sarah, may patutsada sa contractors!

277
0

Manila, Philippines- Mainit na balita ngayon ang tungkol sa kuwestiyonableng lifestyle ng mga contractor na yumaman dahil sa pagkakaroon ng road projects sa gobyerno.

Pati nga ang mga anak o mga kamag-anak ng mga pulitiko na sangkot sa mga nasabing proyekto ay nakukuyog ng netizens.

Maging si Vice Ganda at ang co-host niyang si Karylle ay very vocal sa pagsasaboses ng kanilang disgusto sa katiwalaan sa nabanggit na ahensya.

Sa isang clip naman, habang nagdidiskurso si Dr. Hayden Kho tungkol sa produktong inilunsad ng kanyang kumpanya, nagbigay din ng emote si Sarah Geronimo.

Tungkol ito sa sangkap ng produkto na nagiging naturally occurring lipids sa balat na nagsisilbing protective barrier sa skin.

Paghahambing niya, buti pa raw ang ingredients ng beauty products ng mag-asawang Belo, hindi tinitipid.

Sey niya: “Pero yung kalsada doon, Doc. Hindi naaabsorb yung tubig kasi tinipid.”

Dahil dito, umani ng samu’t-saring reaksyon ang pasaring ni Sarah sa kibitzers.

Ito ang ilan sa kanilang hanash.

“Never nakisawsaw si Sarah sa isyu ng politics, at least nagiging vocal na rin siya.”

“Right niya iyan. Laki kaya ng binabayad niyang tax, tapos ninanakaw lang ng mga corrupt na pulitiko.”

“Sapul sila sa Popstar Royalty.”

“Tama lang. Huwag manahimik sa isyu ng korapsyon.”

“Mulat na rin ang Popstar Royalty.”

“Hoping more celebrities will come out and use their platform to condemn corruption in the government.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here