Manila, Philippines- Sunud-sunod ang bilang ng mga celebrity na naglalabas ng kanilang saloobin tungkol sa korapsyong umiiral sa bansa.
Ang pinakahuli’y ang TV host-singer-actress na si Karylle.
Pero may ibang “take” siya rito.
Sa halip kasi ay mas sinisisi ni Karylle ang madlang pipol kung bakit malalakas ang loob ng ilang tao na ipangalandakan ang kanilang yaman.
Simple lang aniya ang dahilan–our fascination for them.
Pasado na raw sana para kay Karylle ang feature story tungkol sa mga Discaya.
Pero ang makitang lawak ng garahe nito na namumutiktik sa mga luxury car is another story.
Hindi man daw agad-agad ay dahilan ‘yon para maglabas ng investigative angle sa likod ng lifestyle feature na ‘yon.
Ang siste, namangha ang publiko!
Kunsabagay, may katwiran si Karylle.
Samantala, nabulyawan ni Senator Jinggoy Estrada si Sarah Discaya sa isinasagawang imbrstigasyon sa Senado tungkol sa pagkakaroon nito ng 28 luxury cars.
“Huwag na tayong maglokohan!” pambabara ni Jinggoy kay Sarah who claims all their four children use their cars.