Home METRO Bumbero nagoyo ng AI; rumesponde sa pekeng sunog

Bumbero nagoyo ng AI; rumesponde sa pekeng sunog

288
0

MANILA, Philippines – Rumesponde ang mga bumbero sa Parola, Maynila matapos makatanggap ng litrato ng nasusunog na truck, ngunit nadiskubre nilang gawa lamang ito ng AI.

Apat na fire trucks, kabilang ang sa Bureau of Fire Protection, ang rumisponde nitong Huwebes ng umaga ngunit buo ang naturang truck.

“Ang AI akala mo parang totoo na talaga,” ayon kay Recto Volunteer Fire Chief Samuel Fenix. Dagdag pa niya, “Siyempre, nagmamadali kami… Tapos pagdating doon fake news pala. Mga ganon dapat mapanagot.”

Ayon sa Revised Fire Code of 2008, maaaring multahan ng ₱50,000 at kasuhan ng unjust vexation ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Sinabi ni Barangay 20 chairman Anthony Igus na hindi pa tukoy kung sino ang nagpakalat ng AI-generated na litrato, at tinawag itong “nakakaalarma” dahil maaari raw makasama sa tunay na operasyon ng bumbero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here