Home METRO Binatilyo, naibaon nang buhay sa landslide, patay

Binatilyo, naibaon nang buhay sa landslide, patay

297
0

TABUK CITY, Kalinga – Patay ang isang 17-anyos na estudyante matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Brookside, Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ng mga responder at volunteer ang katawan ng biktima. Agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival.

Nasa loob umano ng kanyang silid ang biktima nang mangyari ang pagguho ng lupa sa kasagsagan ng malakas na ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan at mga awtoridad sa mga residente sa landslide-prone areas na maging alerto at lumikas kung kinakailangan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. (Rey Velasco)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here