Home NATIONWIDE Mapayapang pagtitipon igagalang ng PNP

Mapayapang pagtitipon igagalang ng PNP

193
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Setyembre 5 na patuloy nitong kikilalanin ang mga awtorisado at mapayapang pagtitipon, ngunit huhuliin ang sinumang makagagawa ng mga paglabag.

Ang pahayag na ito ni PNP Public Information Office chief Brig. Gen. Randulf Tuaño ay kasunod ng pinakahuling kilos-protesta na isinagawa sa harap ng opisina ng St. Gerrard Construction sa Pasig City, isa sa mga kompanya na pagmamay-ari ni Sarah at Curlee Discaya.

Binato kasi ng mga nagprotesta ng putik ang gate, at sinulatan pa ng mga katagang “magnanakaw”, “corrupt” at “ikulong” gamit ang spray paint ang mga gate at pader ng naturang opisina.

“The PNP recognizes authorized peaceful assembly, will respond to call for police assistance anytime, will maintain peace and order and will arrest violator of our laws,” ani Tuaño.

Isinagawa ang protesta kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa 12 luxury vehicles na pagmamay-ari ng mga Discaya.

Nauna nang kinumpirma ng PNP-Highway Patrol Group na naberipika na nito ang walo sa mga sasakyan bilang bahagi ng validation process.

Ang mga kontrobersiya lalo na sa palpak at maanomalyang flood control projects ay nagdulot ng matinding galit ng publiko at hinimok ang pamahalaan na panagutin ang mga indibidwal na sangkot dito.

Samantala, wala namang naitalang anumang insidente kaugnay sa mga pinakabagong pagkilos. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here