Home NATIONWIDE Ilang mahahalagang detalye sa kaso ni Duterte sa ICC, pinagkasunduan ng depensa,...

Ilang mahahalagang detalye sa kaso ni Duterte sa ICC, pinagkasunduan ng depensa, prosekusyon

320
0

THE HAGUE – Nagkasundo ang prosekusyon at depensa sa kaso laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mahahalagang detalye, batay sa kanilang joint submission na isinumite sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa dokumento na may petsang Setyembre 1, 2025, tinugunan ng dalawang panig ang utos ng Chamber noong Abril 17 na magkasundo sa ilang “alleged facts” at mag-ulat bago ang deadline.

Nagsimula ang proseso noong Agosto 22 nang magmungkahi ang prosekusyon ng 10 fact points sa pamamagitan ng email. Makalipas ang apat na araw, Agosto 26, sumagot ang depensa at pumayag sa apat sa mga iyon.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa dating pangulo:

Si Rodrigo Roa Duterte ay ipinanganak noong Marso 28, 1945, sa Maasin, Southern Leyte, at isang Pilipino.

Ang “PRRD” ay karaniwang gamit na daglat sa Pilipinas para sa “President Rodrigo Roa Duterte.”

Ang barangay ay ang pinakamaliit na pampolitikal at administratibong yunit sa Pilipinas.

Ang barangay ang nagsisilbing pangunahing planning at implementing unit ng mga polisiya, plano, programa at proyekto ng pamahalaan.

Bagama’t positibong hakbang ito, nilinaw sa dokumento na hindi pa tapos ang negosasyon. Ayon dito, ipagpapatuloy pa ang pagtalakay sa iba pang facts kapag nareresolba na ang isang isyung [REDACTED].

Hiniling ng dalawang panig sa Chamber na ituring na “proven” ang apat na fact na kanilang pinagtibay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here