MANILA, Philippines – Pormal nang inalis ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbili ng booklet mula sa listahan ng kinakailangan para sa senior citizen upang makakuha ng mandatong 20% diskwento at 12 % value-added tax (VAT) exemption sa mga gamit at medical devices.
Sa FDA Circular No.2025-005, na inisyu nitong Setyembre 4, sinabi ng ahensya na ang pagbabago ay nakalinya sa Department of Heath Administrative Order No. 2024-0017 na may pamagat na “Purchase booklets No Longer Required for the 20% enior Citizens Discount on Medicines, in Compliance with Republic Act. No 9994.”
Ang Republic Act 9994, o and Expanded Senior Citizens Act of 2010 ay nagbibigay sa mga nakatatanda ng 20% diskwento at VAT exemption sa mga gamot at kagamitan.
Nilinaw ng FDA na bagamat ang mga nakaraang utos ng DOH ay nangangailangan ng pagpapakita ng purchase booklet para sa bawat transaksyon, ang batas ay hindi nito ipinag-utos.
Sa ilalim ng alituntunin, ang mga senior o kanilang kinatawan ay kailangan lamang magpakita ng valid identification upang makakuha ng discount. Jocelyn Tabangcura-Domenden